Nang ako'y Sumali sa The Chronicler

Nang sumali ako sa the
Chronicler, marami na ring naganap na pagbabago sa buhay
estudyante ko. Meron nga ba? At ano ba ang the Chronicler? At anong
ginagawa at nagagawa nito.

Ang the Chronicler ay ang opisyal na publikasyon ng Polytechnic University of the Philippines - Taguig campus. Ang mga nilalaman nito ay tumatalakay sa mga isyu na
pang estudyante, pang komunidad at pati na rin sa bansa. Kasapi ito sa
College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at Alyansa ng Kabataang
Mamahayag (AKM-PUP). Layunin ng the Chronicler ay Pen
and
Vigilance: In the defense of the Student's Rights.
Bale pang
estudyante ang pahayagan ito.

Naalalako nung sumasali pa lamang ako dun (na medyo late na kasi third
year na ako pero mga sumasali ay mga first year), nagtake ako ng test.
Hindi ako magaling na writer pero nagulat na lamang ako nang makapasa
ako dun. Ang exam ay binubuo ng identification na
konti
lang ang nasagutan ko ng tama. Bahagi rin ng exam ay
newswriting na kung saan ay malaki raw ang nakuha kong puntos.

Marami na ring naganap nung nakasali ako dun. Mula
noon, nakakatambay na ako sa office ng The Chronicler kahit na ang
purpose ko lang dun ay gumawa ng assignment, sumulat ng draft ng blog o
paglaruan ang computer. Medyo nakakailang pumasok dun nung una kasi
katabi ito ng CR ng girls. Ung bang, pagpasok mo sa maliit coridor
papunta sa CR ng girls ay madadaanan mo yung pintuan ng The Chronicler.

Marami na ring naging aktibidades ang the Chronicler. Mababasa ninyo sa
isa pang post yung tungkol sa aming pagpunta sa Picketline, isang
karanasang hindi ko makakalimutan sa aking buhay kolehiyo. Nagkaroon na
rin kami ng mga film showing at itong nakaraang November 27,28,29 ay
nagkaroon sila ng program na Anti-passivity week. Kasama ng central
student council (CSC) nagconduct sila ng mga poem writing contest,
poster making contest at marami pang iba.

Narealize ko na hindi pala lahat ng
writer ay masasamang tao. (Teka, ba't ko
nga pala naisip yun? Writer pa naman ako) Dati kasi, puro nalang
pambabatikos sa pamahalaan
ang pinapublish nila. Pero naisip ko rin naman na tama naman ang mga
ipinaglalaban nila. Tulad na lamang ng misedukasyon, siguro naman na
marami ang hindi papayag sa ideyolohiya ngayon na, "kung kailangan mo
ng mahusay na edukasyon, kailangan mong magbayad ng malaking halaga",
sa siyang nagpapakita ng commersialismo sa pangkasalukuyang edukasyon
ngayon.Iyan ay iilan lamang sa makikita sa the Chronicler

Siguro ilalagay ko na rin sa Blog ko yung mga ipinaglalaban ng the
Chronicler. Hindi naman sila aktibista. Pero nais lamang nila ihatid
ang mga totoong balita. Sa ngayon, maraming propesor ang nais pumigil
dito pero siguro maskailangan nilang pagtuonan ng pansin ang mga
inererekplamo sa kanila o di kaya'y linawin ang kanilang mga
layunin.

Hindi naman ako aktibo sa organisasyong ito pagkat marami akong
prioridad sa buhay. Pero nais ko rin silang matulungan sa abot aking
makakaya. Natutuwa din ako sa mga bago kong mga nakikilala. Balang
araw, malalaman din ng buong bansa ang kanilang ginagawa para sa
kapakanan ng mga estudyante.

Comments

manlalakbay said…
Wow naman! patakip-takip ka pa kanina nung makita ko to sa lab pero mababasa ko rin pala, haha!

Nice entry! Keep it up! ^_^

Popular posts from this blog

I'm Back...again

Blogger Theme Improvements

Falling