N ang sumali ako sa the Chronicler, marami na ring naganap na pagbabago sa buhay estudyante ko. Meron nga ba? At ano ba ang the Chronicler? At anong ginagawa at nagagawa nito. Ang the Chronicler ay ang opisyal na publikasyon ng Polytechnic University of the Philippines - Taguig campus. Ang mga nilalaman nito ay tumatalakay sa mga isyu na pang estudyante, pang komunidad at pati na rin sa bansa. Kasapi ito sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at Alyansa ng Kabataang Mamahayag (AKM-PUP). Layunin ng the Chronicler ay Pen and Vigilance: In the defense of the Student's Rights. Bale pang estudyante ang pahayagan ito. Naalalako nung sumasali pa lamang ako dun (na medyo late na kasi third year na ako pero mga sumasali ay mga first year), nagtake ako ng test. Hindi ako magaling na writer pero nagulat na lamang ako nang makapasa ako dun. Ang exam ay binubuo ng identification na konti lang ang nasagutan ko ng tama. Bahagi rin ng exam ay newswriting na kung saan ay malaki ...